Loading...

Mga Payo ni Tata Lino (PART 4)

1. Tata Lino, lahat po ba ng problema ay kayang solusyonan? Advice: Iha, lahat ng problema may solusyon. Kung walang solusyon, aba...


1. Tata Lino, lahat po ba ng problema ay kayang solusyonan?

Advice: Iha, lahat ng problema may solusyon. Kung walang solusyon, aba'y wag mo ng problemahin yun.

2. Tata Lino, paano niyo po ba malalaman, kapag ang isang tao ay masipag o tamad lang?

Advice: Ang taong masipag, January pa lang nag-iipon na ng pamasko. Ang tanong tamad, may Christmas Decoration pa hanggang hulyo.

3. Tata Lino, eh mahal na mahal ko kasi yun shota ko. Problema, lagi ako gumagawa ng kasalanan eh. Buti pa nga napapatawad pa niya ako. Problema ko, baka dumating ang araw mapagod na siya. Anu po ba mapapayo niyo?

Advice: Iho, kung lagi kang hihingi ng tawad sa minamahal mo, ba't di na lang palengke niligawan mo.

4. Tata Lino, eh natatakot po ako na maging bakla yung anak kong lalaki. Ano po bang dapat kong gawin?

Advice: Hindi mo talaga mapipigilan ang ibon sa paglipad at pagdapo. Ganun din ang anak mo, kung gusto niyang magwiwi ng paupo.

5. Tata Lino, tatanong ko lang po. Maganda naman po ako, mabait, pero bakit po lahat ng kaibigan ko ayaw akong lapitan.

Advice: Iha, hindi lang sa bait at ganda, huhusgahan ka rin sa amoy ng iyong hininga.
Tata Lino's Advice 8802416483170721935

Post a Comment

Home item

Latest Post