Loading...

Mga Payo ni Tata Lino (PART 6)

1. Tata Lino, gusto ko po malaman kung paano po ako tatalino ng konti? Advice: Gusto mong tumalino ng konti, eh magaral ka ng konti. 2. ...

1. Tata Lino, gusto ko po malaman kung paano po ako tatalino ng konti?
Advice: Gusto mong tumalino ng konti, eh magaral ka ng konti.

2. Tata Lino, yung asawa ko po kasi, lagi inuumaga ang uwi. Nagpromise siya sa akin, promise ng promise, na hindi na mauulit pero nauulit pa rin. Sorry ng sorry pero nauulit pa rin. Nakakapagod na po eh.
Advice: Iha, madala magkasunod ang promice at sorry, kaya nga naimbento ang salitang promissory note eh.

3.  Tata Lino, may kaibigan po kasi ako na nakakainuman ko. Sa tuwing nalalasing siya, eh umaamin siya sa akin na may gusto siya sa akin. Eh totoo po kaya yun?
Advice: Ganito kasi yan iha, madaling manghiram ng tapang sa alak, lalo na kung may masama siyang balak.

4.  Tata Lino, tatangkad pa po ba ako?
Advice: Iho, madalo lang naman ang solusyon sa pagtangkad, sumabay ka sa mga pandak kapag ika'y naglalakad.

5. Tata Lino, Kaya po naubos na yung pagmamahal ko. Hindi ko na kaya magmahal muli e.
Advice: Iha, ang pag-ibig ay isang malayong byahe, maglalakad ka pauwi pag di ka nagtabi ng pamasahe.

Kayo, anong payo nyo!?

Mga Payo ni Tata Lino (PART 7)
Tata Lino's Advice 6733778288128909647

Post a Comment

Home item

Latest Post