Loading...

Karinderya o Turo-Turo Business. Paano Magsimula?

Paano nga ba ang magsimula ng " Carinderya " o mas kilala sa tawag na turo-turo sa Pilipinas? Kahit marami na ang naglalakihang ...

Paano nga ba ang magsimula ng "Carinderya" o mas kilala sa tawag na turo-turo sa Pilipinas? Kahit marami na ang naglalakihang restaurant at food chain sa bansa, di pa rin nagpapahuli ang mga maliliit na kainan. 

Ang karinderya ay magandang business lalo na kung ang lokasyon nito ay nasa pampublikong lugar. Hindi naman lingid na ang iba sa atin ay tinatamad ng magluto minsan, kaya ang ginagawa na lang ay bibili ng lutong ulam sa mga eatery. Masasabi kong isa ito sa mga negosyong di nawawalan ng customer sapagkat pagkain ang pangunahing pangangailangan ng mga tao. 

Sundin lamang ang mga step na ito at sabay-sabay tayong mag-earn ng money!

Location or Pwesto

Kailangan na ang mahahanap mong lokasyon ay nasa pampublikong lugar gaya na lamang ng tabi ng school, opisina, simbahan, paradahan ng mga sasakyan at palengke. Kailangan din na maluwang ito at comfortable sa iyong mga customer. Make sure na may mga rooms ito para sa kusina, storage or stock rooms, kainan ng iyong mga client at comfort room.

  • Kitchen. Maglagay ng malaking space para sa iyong kusina upang makagalaw ang tagaluto ng maayos. Panatilihin ito na laging malinis upang maging kaaya-aya sa iyong mga customer dahil cleanliness is the key in this business.
  • Storage Room. Dito mo ilalagay ang mga iyong kagamitan upang hindi magkalat sa iyong karinderya.
  • Comfort Room. Kailangan ng client at maging ang iyong kasamahan o ikaw mismo ang banyo o palikuran.
  • Kainan. Kailangan na malinis ito at malamig para maging kumportable ang iyong mga suki. Kung kaya ng iyong budget, maglagay ng WIFI or provide television and radio for their entertainment while they are waiting sa kanilang mga order.

Gamit

Bumili ng mesa, upuan, mga kutsara't tinidor at ang mga kagamitan sa kusina tulad na lamang ng kalan, at mga kaldero. 

Price. 

Tiyakin na ang presyo ng iyong mga tinda ay pasok sa budget ng iyong mga customer.

Luto

Dapat maging masarap ang luto para babalikan ka ng iyong mga customer.

Make money 6600226662515895776

Post a Comment

Home item

Latest Post